^

Metro

Dalagita, dinukot ng foreigner

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang dalagita na nag-a­abang lamang ng masa­sakyan ang tinangay ng isang dayuhan at tinangkang gawan ng kahalayan sa Mandaluyong City ngunit masuwerteng nakatakas  matapos na maka­talon ng nakahubad mula sa sasakyan ng suspek.

Naghain na umano ng reklamo sa Mandaluyong City Police ang 17-anyos na biktima ngunit tumanggi naman ang mga awtoridad na magbigay ng kumpletong detalye hinggil sa kaso.

Gayunman, sinabi ni P/Supt. Cresencio Landicho, Deputy Chief for Operations at kasalukuyan ding Officer -In-Charge (OIC) ng Mandaluyong City Police, na base sa closed circuit television (CCTV) footages na hawak nila, nakita ang isang dalagita na nakahubad at tumalon mula sa isang hindi naplakahang kotse sa kahabaan ng Sta. Clara St. at Sgt. Bumatay St., Mandaluyong City.

Ayon kay Landicho, base sa inisyal na pahayag ng bik­tima, kasalukuyan itong naglalakad sa Martinez St. habang naghihintay ng masasakyan nang biglang may huminto sa kanyang harapan na isang Toyota Camry at nang bumukas ang pintuan ay isang foreigner umano ang nagtanong sa biktima ng direksyon.

Hindi pa man umano nakakasagot ang biktima ay bigla na lang itong hinila ng suspek papasok ng sa­sakyan.

Sa kabila naman ng pagpalag ng dalagita ay agad umanong ikinandado ng suspek ang pintuan ng sasakyan, saka hinubaran ang dalagita at pilit ginagawan ng kahalayan.

Suwerte namang naka­kuha ng pagkakataon ang dalagita na mabuksan ang pinto ng sasakyan at tumalon upang makatakas.

Bagamat ayaw magbigay ng detalye at tumanggi rin na ipakita ang kanilang blotter ay tiniyak naman ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Mandaluyong City Police na masusi na nilang iniimbestigahan ang kaso upang madakip ang suspek.  

BUMATAY ST.

CLARA ST.

CRESENCIO LANDICHO

DEPUTY CHIEF

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY POLICE

MARTINEZ ST.

PROTECTION DESK

TOYOTA CAMRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with