MANILA, Philippines - Muling nagpatupad ng rollback para sa kanilang produkto ang Petron at Pilipinas Shell, epektibo ngayong araw na ito.
Nabatid na nasa P0.40 sentimos kada litro ang itatapyas ng dalawang kompanya sa presyo ng kanilang gasolina at diesel habang P0.50 sentimos naman sa presyo ng kerosene.
Sanhi na rin umano ito ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa world market.
Inaasahang susunod na rin ang ibang oil company sa naturang rollback.
Sa kasalukuyan ay naglalaro sa pagitan ng P50-51 kada litro ang gasolina habang nasa P40-41 naman ang diesel.