Biktima ng salvage, natagpuan
MANILA, Philippines - Isa na namang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuang tadtad ng saksak sa katawan sa isang bangketa sa lungsod Quezon kahapon ng umaga. Ayon kay SPO1 Cris Zaldarriaga, imbestigador, wala silang nakuhang pagkakakilanlan sa biktima maliban sa pagsasalarawan sa taas nitong 5’3, nasa pagitan ng edad na 35-40, may mga tattoo na “Elmer Maris, Mon Gutierez, Tabang Cori, at iba pa sa kaliwang braso, at nakasuot ng itim at stripe na T-shirt, at pants. Sabi ni Zaldarriaga, ang biktima ay nadiskubre sa may kahabaan ng A. Bonifacio St., corner Ipo St., Brgy. N.S. Amoranto, ganap na alas-4 ng madaling araw.
Ang biktima ay nagtamo ng isang punctured wound sa kaliwang dibdib at kanang balikat. May nakita ding marka sa kanyang leeg na indikasyon na pinatay ito sa sakal. Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.
- Latest