Trader brutal na pinatay

MANILA, Philippines - Pinahirapan muna bago brutal na pinaslang ang isang 58-anyos na negosyante matapos matag­puan na  nakatali ang mga kamay at paa ng straw at duct tape, kahapon sa mismong tinitirahan nito sa Makati City.

Kinilala ang biktimang si Ramon De Guzman, ng TRP Building, Brgy. San Isidro, Makati City. Samantala, blanko pa ang mga pulisya sa motibo sa krimen at maging sa kung sino ang posibleng may gawa nito.

Sa inisyal na report na nakarating sa tanggapan ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Makati City Police, alas-10:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng tinitirhan nito sa naturang lugar.

May marka na pinahirapan ang biktima bago ito tuluyang pinaslang. Wala pa ring makuhang impormasyon ang pulisya na makapagbibigay linaw sa krimen.  

Show comments