36 naisalba sa illegal recruitment
MANILA, Philippines - Umaabot sa 36-kababaihan ang nailigtas sa illegal recruitment makaraang salakayin ang recruitment agency na sinasabing front ng human traffricking sa Las Piñas City, ayon sa ulat kahapon.
Ang mga kababaihan na pinaniniwalaang biktima ng human trafficking at illegal recruitment matapos ang lima sa kanilang kasamahan ay nagawang makapag-report sa Criminal Investigation and Detection Unit matapos ang kanilang karanasan.
Nadakip sa operasyon ang isang Singaporean na si Yvone Phua, at ang 13 Pinoy.
Tinukoy naman ni P/Chief Insp. Elizabeth Jasmin, tagapagsalita ng CIDG, ang iba pang suspek na illegal recruiters na sina Michael Abellar at kanyang asawang si Joy, isang Eric, Emma at Mandy na pawang nasa De Castro Building sa Villa Eusebia, Barangay E. Aldan sa nasabing lungsod.
Ayon kay Jasmin, ang mga suspek ay kawani ng PEM Maid Employment Agency na sinasabing walang kaukulang permiso kulang sa POEA para kumuha at magpadala ng mga manggagawa sa ibang bansa.
“The applicants also allegedly suffered some abused since they were made to train beyond the prescribed number of hours. The firm offers trainings on baby sitting, care giver, and domestic help but without the POEA license,”dagdag ng opisyal
Narekober ng CIDG ang ilang log books, isang certificate na naka tie-up sa ibang recruitment agencies at mga papeles ng mga aplikante.
- Latest