^

Metro

Pampaputi na may mercury, naibebenta pa rin kahit ban

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naibebenta pa rin sa mga retail shops sa Maynila at Quezon City ang mga produktong pampapaputi na may mercury kahit na  ipagbawal  ng  Food and Drugs Administration (FDA) sa merkado.

Ayon sa environmentalist group na Ecowaste Coalition, ang mga whitening products na ito ay may  taglay na mercury na nagpapahinto sa production ng melanin na siyang tumutulong sa pagi­ging normal ng kulay ng ating balat.

Ang mga produktong ito ay mula sa  Amerika,  China, Japan at  Taiwan ay karaniwang naibebenta sa mga Chinese drugstore sa nabanggit na lugar.

Ayon sa grupo, sa 12 whitening products na kanilang nasuri, siyam dito ay matagal ng ban na ibenta at ang tatlo ay walang accreditation mula sa FDA para ibenta.  Ang  mga  whitening pro­ducts na ito umano ay  may mataas na level ng mercury na  51,000 parts per million  na kalimitang naibebenta sa mga Chinese drugstores sa halagang  P80 hanggang  P200 partikular.

 “Consumers should be cautious of deceptive claims as some cosmetics that promise flawless and lighter skin tone contain undisclosed amounts of toxic mercury, which can damage the kidneys and the skin itself.” Pahayag ni Aileen Lucero, coordinator ng Ecowaste.

 Ang ilan sa mga whitening cream na may mercury ay  ang BG Sea Pearl at Papaya Natural Essence 6 days Specific Eliminating Freckle Whitening Sun Block Cream; BG Ginseng at Ganoderma Lucidum 6 Days Specific Eliminating Freckle Whitening Sun Block Cream, Yudantang Ginseng at Green Cucumber 10 Days Whitening Speckles Removed Essence, Feique Herbal Extract Whitening Anti-Freckle Set,Erna Whi­tening Cream,Yinni Green Tea Quickacting Whitener at Speckle Remover Package gayundin ang Jiaoli Miraculous Cream, S’zitang ,Bai Li Tou Hong, Jiaoli 7 Days Specific Eliminating Freckle AB Set, Sanli Eliminating Freckle Cream at  Gakadi.

Pinayuhan ng naturang grupo ang publiko na huwag nang tangkilikin ang mga mumurahing pampapaputi dahil sa halip na makatulong ito na magpaganda  ay maaari nitong maipahamak ang kalusugan ng mga gagamit nito.

vuukle comment

AILEEN LUCERO

AYON

BAI LI TOU HONG

DAYS SPECIFIC ELIMINATING FRECKLE

DAYS SPECIFIC ELIMINATING FRECKLE WHITENING SUN BLOCK CREAM

DAYS WHITENING SPECKLES REMOVED ESSENCE

WHITENING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with