Billboards kokontrolin sa Makati

MANILA, Philippines - Sinuportahan ng Met­ropo­litan Manila Development Authority (MMDA) ang pinasang ordinansa ng pamahalaang lungsod ng Makati kaugnay sa pagkokontrol sa ilalagay na mga bill­board at signages­ sa mga lan­sangan sa lungsod.

Naniniwala si MMDA Chairman Francis Tolentino, na kaligtasan pa rin ng publiko ang dapat­ na isaalang-alang lalong-lalu na  sa panahon ng may kalamidad kung kaya’t ang paglalagay ng mga billboards at signages­ sa lansangan ay dapat may mga itatakda nang regulasyon.

Sa bagong inaprubahang City Ordinance No. 2013-A-044  ng Makati City Council, ay nagtatakda ito ng alituntunin kaugnay sa sapat na laki, taas at lokasyon ng mga ilalagay na billboards at signages.

Bukod sa nagbi­bigay na rin ito ng legal na ba­sehan sa lungsod upang baklasin ang mga billboards at signages na makikitang nagdudulot ng panganib sa residente ng lungsod at sa publiko sa ka­buuan.

 

Show comments