Mga matatanda sa QC, tututukan ni Joy B.
MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang lecture tungkol sa healthy lifestyle para sa mga senior citizen sa pakikipagtulungan ng Unilab Philippines sa ilalim ng ‘Joy of Public Service Program’.
Ang proyektong ito na pinamagatang “United Bayanihan Foundation” ay magbibigay ng dagdag na kaalaman at idea sa mga matatanda kung paano pahahalagahan ang sarili at ang kalusugan kahit may edad na.
Layon ng programa na magkaroon ng mas maayos na physical, mental at social well-being ang mga senior citizens ng lungsod para higit pang maging produktibong mamamayan sa komunidad na ginagalawan.
Ang proyektong ito ay gagawin tuwing Miyerkules simula sa July 26 mula alas-7:30 ng umaga hanggang alas-11 ng tanghali sa lahat ng distrito ng lungsod.
Kasama sa lecture ang tungkol sa active ageing, healthy lifestyle, nerve ageing at sarcopenia.
Gayundin magkakaroon ng mga activity games at pamimigay ng unilab products sa mga elderly.
- Latest