^

Metro

Mataas na multa sa jaywalkers, ipapatupad

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mula sa P200,  magiging P500 na ang  multa at tatlong oras na community service ang magiging parusa sa mga pedestrian na lalabag sa  Anti-Jaywalking campaign ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Nabatid, na inaprubahan  kahapon ng Metro Manila Council (MMC)  ang naturang panukala sanhi  na rin ng nakakaalarmang paglobo ng  bilang ng mga aksidente dahil sa pagtawid sa hindi tamang tawiran.

Ang MMC ang siyang   policy making body ng MMDA at ang  lahat ng mga pinaiiral na regulasyon sa Kalakhang Maynila ay dadaan sa kanila at sila rin ang mag-aapruba.

Naniniwala si  MMDA Chairman Francis Tolentino, panahon na upang itaas ang multang ipapataw sa mga lumalabag sa kampanya kontra jaywalking dahil tila marami pa ring  pasaway at hindi natututo.

Kumbinsido si Tolentino na maaaring dahil sa maliit lamang na multa kaya’t itoy balewala lamang sa publiko.

Tinukoy ni Tolentino, na sa kanilang rekord, mayroon 500 tao ang namamatay kada taon dahil sa pagtawid sa hindi tamang tariwan at ito’y lubhang nakakabahala sa ahensiya

Gayunpaman, paglilinaw ni Tolentino, kapag ang isang nahuli ay hindi kayang bayaran ang P500 multa, maaaring sumailalim ito sa tatlong oras na community service tulad ng paglilinis ng estero.

Kasabay nito, inapruba­han na rin ng MMC ang pagtaas ng multa sa mga lumalabag sa truck ban, na mula sa kasalukuyang P500 na multa, itataas na ito sa halagang  P2,000.

Bukod pa sa magiging  rekomendasyon sa Land Transportation Franchising and Re­gulatory Board ( LTFRB ) office na suspendihin ang driver’s license ng mga lalabag.

Subalit, hindi aniya  saklaw sa bagong itinakdang multa ang lungsod ng Maynila na may sariling ordinansang umi­iral sa truck ban.

Magiging epektibo ang bagong ipapatupad na multa kontra jaywalking at truck ban matapos ang labing limang araw na ito’y mailalathala.

ANTI-JAYWALKING

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

KALAKHANG MAYNILA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND RE

METRO MANILA COUNCIL

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MULTA

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with