^

Metro

Naghamon ng away, utas sa parak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang lalaki na hinihinalang nasa impluwensya ng iligal na droga matapos na magwala at makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis kahapon ng madaling-araw sa Ma­labon City.

Agad na nasawi dahil sa tama ng bala ng baril sa leeg at katawan ang 24-anyos na si Ceferino Sanoy, Jr., residente ng Gozon Complex, Letre, Brgy. Tonsuya, ng naturang lungsod.

Isinugod naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala ng sumpak sa katawan ang pulis na si PO3 Raul Salazar, nakatalaga sa Malabon City Police.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:05 ng madaling-araw nang makatanggap sila ng tawag sa mga residente ng Gozon Complex ukol sa pagwawala ni Sanoy na armado ng isang sumpak at nagha­hamon ng barilan sa sinumang matapang sa lugar.

Rumesponde naman sa lugar­ ang mga pulis ngunit pagdating pa lamang ay agad na nitong pinaputukan ang mga alagad ng batas sanhi upang tamaan ng bala si Salazar. Nakaganti naman ng putok ang mga pulis at tinamaan si Sanoy.

Kahit na may tama na ng bala, nagawa pang maka­talon sa katabing creek na puno ng burak ang suspek kung saan dito ito nalagutan ng hininga.

Inaalam naman ng pulisya ang sanhi ng pagwawala ni Sanoy na posibleng nasa impluwensya umano ng iligal na droga o alak.

vuukle comment

BRGY

BULAGTA

CEFERINO SANOY

GOZON COMPLEX

INAALAM

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MALABON CITY POLICE

RAUL SALAZAR

SANOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with