^

Metro

Investment scam queen, timbog ng NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natimbog ng mga ope­ratiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa na namang investment scam queen  na nasa likod ng dalawang kompanya na gamit sa pambibiktima ng mga investors sa lalawigan ng Batangas at Cagayan de Oro City.

Kinilala ni NBI Director Virgilio Mendez ang suspek na si  Anna Fatima Pedernal ng Agripoint Enterprises at umano’y nasa likod ng P1-billion investment scam.

Nakatakas naman ang mister nitong si Vince Pe­dernal na nasa likod din ng nasabing scam.

Ang dalawa ay kapwa subject sa ipinalabas na warrant of arrest ng Laguna court sa kasong syndicated estafa.

Si  Anna Fatima ay na­dakip sa Baguio City ng mga ahente ng NBI-Anti Orga­nized Crime Division kama­kailan.

Modus umano ng mag-asawa ay kumbinsihin ang mga target na investor na malaki ang kikitain na aabot hanggang 10 porsyento kung maglalagak ng investment sa kanilang kompanyang Agripoint, dahil ito ang pinakamalaking importer ng plastic resin mula sa China.

Pinatikim lamang ng pa­unang interes ang mga nalokong investor at hindi na nasundan pa kung saan nadiskubreng wala namang  naideliber na produkto sa kompanya.

Nabatid na ang mag-asawa rin ang nasa likod umano ng 8 Pines Enter­prises, isa rin umanong investment scam, na bumik­tima naman sa mga residente sa Cagayan de Oro City.

Kinumpirma ng NBI na tulad ng  mga investment scam na kinasasangkutan  nina  Manuel Amalilio at Coco Rasuman ang aktibidades ng mag-asawa.

 

vuukle comment

AGRIPOINT ENTERPRISES

ANNA FATIMA

ANNA FATIMA PEDERNAL

ANTI ORGA

BAGUIO CITY

COCO RASUMAN

ORO CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with