Hindi pinayagang makapag-enroll 30 estudyante nag-hunger strike

MANILA, Philippines - Makaraang hindi makapag-enroll at hindi pinayagang makapasok dahil  sa pagpruprotesta sa P1,000 pisong Development Fee kada estudyante noong isang taon, magsasagawa ng isang linggong hunger strike ang may 30  estud­yante ng Eulogio Amang Rod­riguez Institute of Science and Technology  (EARIST) simula ngayon. 

Ayon kay Christian Yamzon, media officer ng KAMAO EARIST ANAKBA­YAN Metro Manila, kasama ng mga block-listed na estudyante ang kanilang mga magulang at taga-suporta sa hunger strike  laban sa tinagurian nilang campus repression ngayong uma­ga sa   Valencia Gate ng kolehiyo na nasa  Valencia Street, Nagtahan, Sta. Mesa, Manila

Kasama ng mga estud­yante ang kani-kanilang mga magulang na mananawagan at hihingi ng atensiyon ni  Pangulong Noynoy Aquino.

Matatandaang ang mahigit na  30 estudyante ng EARIST ang pumalag  nang hindi sila payagan ng presidente ng EARIST  na makapag-enrol ngayong taon dahil sa pagpalag ng mga ito sa  illegal collection na P1K para sa umano sa development fee kada estudyante ayon sa grupo, ang  5-day hunger strike na sisimulan ngayon ay matatapos lamang sa sandaling  payagan ang mga estudyante na makapag-enroll.

“Starting today also, they will hold overnight vigil outside their campus. Prog­ram and burning of masks of PNoy and their school president, wai­vers and EARIST logo will also be held all throughout the day tomorrow”, ayon pa kay Yamzon.

 

Show comments