1 utas, 2 sugatan sa pagsabog ng granada sa Makati

Isa ang patay, habang dalawa ang sugatan matapos ang pagsabog ng granada sa lungsod ng Makati ngayong Martes ng umaga.

Kinilala ni Police Senior Superintendent Manuel Lukban ang biktimang si Joseph Teodones na kaagad namatay sa pagsabog.

Sugatan namana ang dalawa pang biktima na ang isa ay nakilalang si Helen de Ocampo at ngayo'y nagpapagaling sa Ospital ng Makati.

Ayon sa pangunang imbestigasyon, isang lalaking nakatakip ang mukha ang naghagis ng granada sa isang bahay sa Phase 2 ng Teacher's compound sa Barangay West Rembo, Makati bandang alas-9 ng umaga.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Show comments