MANILA, Philippines - Aabot sa libong halaga ng ari-arian ang tinangay makaraang looban ng mga di-kilalang lalaki ang opisina ng Laguna Lake Development Authority sa kahabaan ng North Avenue sa Quezon City noong Linggo ng madaÂling-araw.
Ayon kay PO3 Teotimo Daguman ng QC PNP Station 2, naganap ang insidente sa compound ng Sugar Regulatory Administration partikular sa Office and Community Development.
Nakapasok ang mga kawatan matapos basagin ang salaming bintana ng palikuran. Kabilang sa nilimas ng mga kawatan ay ang Lenovo laptop at P11,000 cash kung saan nadiskubre ang pagnanakaw ng security guard na nagpapatrolya sa nasabing lugar.