Daytime truck ban balik uli

MANILA, Philippines - Nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Maynila na simula ngayong araw ay ibinalik na ang pagpapatupad ng daytime truck ban.

Nabatid na ang ipinatupad na moratorium sa truck ban noong Mayo 13 ay hanggang ngayong alas-12 ng tanghali.

Ang nasabing moratorium na nagbigay daan para makagamit ng kalye ang mga truck mula alas-10 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon ay upang mabawasan ang nagsisiksikang truck sa mga pantalan  at bilang paghahanda sa World Economic Forum na idaraos sa bansa mula Mayo 21 hanggang Mayo 23.

Ibig umanong sabihin, umpisa ng alas-5 ng hapon ay manghuhuli na uli ang mga traffic enforcer sa May­nila ng mga truck na susuway sa truck ban.

Sa ilalim ng daytime truck ban, ang mga 8-wheeler­ truck na may gross weight na mahigit 4,500 kilos ay hindi papayagang bumiyahe sa mga lansangan sa Maynila mula alas-5 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi, at alas- 5 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.

Hindi naman sakop ng kautusan ang mga truck na nagbibiyahe ng mga produktong petrolyo, perishable goods, refrigerated con­tainer at ng mga truck na ginagamit para sa serbisyo ng gobyerno.

 

Show comments