^

Metro

Shabu pa-Israel nasamsam

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang package na sina­­sabing naglalaman ng shabu na patungong Israel­ ang nasabat ng mga tauhan ng Ninoy Aquino In­ternational Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa malaking bodega ng international express courier sa Pasay City, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat na nakarating kay Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., director ge­­neral ng PDEA at commander ng NAIA-IADITG Task Group, isang plastic sachet ng shabu (methamphetamine hydrochloride) ang natagpuang nakatago sa takong ng tsinelas.

Gayon pa man, isina­ilalim sa masusing pagsusuri ng mga duty officers ng Philippine Drug Enforcement Agency sa pamumuno ni Atty. Jacquelyn de Guzman sa warehouse upang tiyakin na walang maipupuslit na bawal na droga patungong ibang bansa.

Ang nasabing package ay ipinadala ng isang Don Don Fernandez mula sa Barangay Lumbang, Lipa City, Batangas at ipapadala sana sa isang Moshie Koffman ng No. 7 Petah Tikva, Israel.

vuukle comment

BARANGAY LUMBANG

DON DON FERNANDEZ

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG INTERDICTION TASK GROUP

LIPA CITY

MOSHIE KOFFMAN

NINOY AQUINO IN

PASAY CITY

PETAH TIKVA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with