Utak sa pyramiding scam, tiklo
MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng isang negosyante na sinasabing utak ng pyramiding scam matapos arestuhin ng Quezon City Police District base sa reklamo ng kanyang mga biktima, ayon sa ulat kahapon.
Base sa warrant of arrest na inisyu ni Judge AgÂripino Bravo ng Metropolitan Trial Court Branch 37 sa kasong estafa na may petsang April 25, 2014, inaÂresto ang akusadong si Ronald Granada sa bisinidad ng Scout Torillo Street sa Quezon City.
Ayon kay P/Supt. Limuel Obon, hepe ng PNP Station 10, may inirekomendang P56, 000 piyansa sa akuÂsado para sa kanyang panÂsamantalang paglaya.
Nag-ugat ang kaso laban kay Granada makaraang magsampa ng kaukulang kaso ang walong biktima na pinangakuan ng suspek ng malaking halaga ng komisyon sa sandaÂling mag-invest ng P2,600 sa kanyang kumpanyang AmiÂllionare sa panulukan ng #33 T. Gener Street at K2 Street sa Kamuning.
Nahikayat ang mga biktima na mag-invest ng maÂlaking halaga subalit wala silang natatanggap na porsiyento simula noon hanggang sa tuluyang magsara ang nasabing kompanya.
Dahil dito, nagpasya ang mga biktima na maghain ng reklamong syndicated estafa sa himpilan ng NBI at CIDG sa Camp Crame kung saan ipinalabas ang warrant of arrest.
Bukod kay Granada, may apat pang kasamahan nito ang ipinagharap ng reklamo ng mga biktima kung saan inaresto si Granada habang nagsasagawa ng orientation sa mga bagong recruit. Hindi naman nagbigay ng kanyang panig ang suspek hangÂgang sa kasalukuyan.
- Latest