^

Metro

Sundalo sa sunog sa Army HQ pumanaw na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Namatay na ngayong Biyernes ang isa sa mga sundalong nasugatan sa pagsabog ng armory ng  Armed Forces of the Philippines sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Binawian ng buhay ang 30-anyos na si Cpl. Bernabe Mota habang nagpapagaling sa Armed Forces of the Philippines Medical Center (AFPMC) bandang alas-10 ng umaga.

Nakatakda sanang ilipat ng East Ave. Medical Center (EAMC) si Mota ngayong araw matapos magtamo ng mga sunog sa iba't ibang bahagi ng katawan nang masunog ang Explosive Ordnance Battalion headquarters.

Kaugnay na balita: 24 sugatan sa sunog sa Army HQ

Samantala, limang sundalo pa ang nagpapagaling sa AFPMC, at ang dalawa ay inilipat na sa EAMC, habang ang apat ay nasa Army General Hospital.

Sinabi ni Army spokesman Lt. Col. Noel Detoyato na 22 sa 31 survivors ang nakalabas na ng ospital.

Dagdag niya na patuloy pa rin ang imbestigasyon sa dahilan ng sunog na kalaunan ay pagsabog ng mga nakaimbak na pampasabog.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES MEDICAL CENTER

ARMY GENERAL HOSPITAL

BERNABE MOTA

EAST AVE

EXPLOSIVE ORDNANCE BATTALION

FORT BONIFACIO

MEDICAL CENTER

NOEL DETOYATO

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with