Bagong motorsiklo, kinardyak

MANILA, Philippines - Hindi pa gaanong napapakinabangan, natangay na agad ng mga kilabot na karnaper ang isang bagong biling motorsiklo matapos na harangin ang may-ari nito ng mga salarin, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City. Wala nang nagawa si Manny Sanchez, 29,  kundi iulat sa pulisya ang pagka­karnap ng kanyang Motorstar Easy Ride na “for registration” pa lamang. Sa salaysay, binabagtas niya ang overpass sa may M. Gregorio St., Canumay West nang harangin ng dalawang lalaki na magka­angkas naman sa isang Skydrive na motorsiklo. Naglabas ng baril ang isa sa mga salarin at puwersahan siyang pinababa sa kanyang motor. Tinangay din ng mga salarin ang bag ng biktima na nagla­laman ng cellular phone, mga damit at wallet na may lamang P700 pati driver’s license. Ayon sa biktima, kakukuha pa lamang niya ng naturang motor nitong buwan ng Abril at hulugan pa.

Show comments