^

Metro

Negosyanteng Chinese, timbog sa checkpoint

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang  negosyanteng Chinese  ang inaresto  matapos nitong paharurutin ang minamaneho nitong sasakyan sa halip na tumigil ito sa isang checkpoint malapit sa isang five-star hotel na tinutuluyan ni US President Barack Obama, kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Kinilala ang suspek na si  Arvy Li, 29, na may Chinese name na Don Lunsheng.

Base sa report na natanggap ng Pasay City Police, naganap ang insidente ala-1:45 ng madaling araw sa panulukan ng Vicente Sotto at Dela Rama Sts. sa harapan ng Philippine International Convention Center (PICC) malapit sa Sofitel Hotel ng naturang lungsod  kung saan tumuloy si Obama.

Nabatid na may pinatutupad na checkpoint ang pulisya sa naturang lugar kaugnay nang pagbisita ni Obama sa bansa at dito namataan ng mga pulis ang isang kulay silver na sasakyan (XLW-587) na minamaneho ng naturang suspek.

Sa halip na itigil ang sasakyan para sa checkpoint, biglang pinaharurot ito ng suspek hanggang sa binangga pa nito ang barikada ng pulisya.

Nabatid na kasama ng suspek ang isang nagngangalang Sheena na ihahatid lang sana nito pauwi kaya’t plano nitong dumaan sa Macapagal Avenue.

Iginiit ng suspek at ng kasama nito na hindi nila alam na malapit doon ang hotel na tinutuluyan ni  Obama. Nahalata ng mga pulis na ang suspek ay nasa impluwensiya ng alak, na ngayon ay nahaharap ito sa kasong disobedience to authority at disregarding arrest.

vuukle comment

ARVY LI

DELA RAMA STS

DON LUNSHENG

MACAPAGAL AVENUE

NABATID

OBAMA

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PHILIPPINE INTERNATIONAL CONVENTION CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with