Libreng sakay sa MRT, LRT sa Araw ng Paggawa

MANILA, Philippines - Libre ang sakay sa Metro Rail Transit at Light Rail Transit (LRT) sa mga piling oras sa Huwebes, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa (Mayo 1).

Ayon sa LRT, libre ang sakay sa lines 1 at 2 simula 7 ng umaga hanggang 9 ng umaga at 5 ng hapon at 7 ng gabi.

Libre rin ang sakay sa MRT simula 7 ng umaga hanggang 10 ng umaga at 5 ng hapon at 7 ng gabi.

Kailangan lamang magpakita ng ID ang mga manggagawang gustong malibre sa biyahe.

Ayon sa tanggapan ng dalawang train systems, ang libreng sakay ay bilang pakikiisa nila sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa na ginugunita tuwing Mayo 1.

Show comments