Salvage victim natagpuan

MANILA, Philippines - Isang lalaking hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuang nababalutan ng garbage bag at packaging tape ang ulo sa lungsod ng Quezon, kamakalawa.

Isang kapirasong papel ang nakita sa tabi ng biktima kung saan nakasulat ang ka­ta­gang “Holdaper ako, huwag n’yo akong tularan”.

Ayon kay PO2 George Caculba, imbestigador, walang nakuhang pagkakakilanlan sa biktima na inilarawan sa edad 50-55, 5’0 ang taas, nakasuot ng stripes na t-shirt, brown na pants at may tattoo na “Ba­hala Gang” sa kanang bahagi ng kanyang likod.

Natagpuan ang biktima sa may U.P. Arboretum St., Brgy. Old Capitol Site, sa lungsod dakong alas-9:45 ng gabi.

Agad naman itong ipinagbigay alam ng mga saksi sa mga awtoridad ang insidente para maimbestigahan.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) nakitaan sa kanyang noo ang biktima na maaring dulot ng pagkaka­pulupot ng packing tape sa kanyang ulo.

Patuloy ang imbestigas­yon ng mga otoridad sa nasabing insidente.

Show comments