^

Metro

Trader na isinangkot sa MRT extortion, lumutang sa NBI

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Personal na nagtungo sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang negosyante na isinasangkot ni Czech Ambassador Joseph Rychtar sa kontrobersyal na kasong extortion sa Metro Rail Transit (MRT).

Kahapon ay personal na nagtungo sa NBI ang negos­yanteng si Roehl “Boyett” Bacar, Pangulo ng Comm Builders­ Technology Philippines Corporation o CB&T para linisin ang kanyang pangalan tung­kol sa sinasabing $30-M Inekon Group extortion case matapos itong imbitahan ng ahensiya.                                                                                                   

Ayon Atty. Jerusha Villa­nueva, walang basehan ang pagsasangkot sa kanyang kliyente sa panghihingi ng pera kapalit ng kontrata sa pagsu-suplay ng 48 bagong coaches ng MRT-3.                                                                                                             

Giit ni Villanueva, sa malinis na paraan sa pamamagitan ng public bidding kaya nakuha ni Bacar ang kontrata noong 2013 sa pagmamantine ng MRT.                                           

Bukod dito, itinanggi rin ni Bacar ang alegasyon ni Ry­chtar na siya ay  may implu­wensya sa mga opisyal ng Department of Transportation and Communications (DOTC) kaya siya nakakuha ng kontrata.                                                                                                   

Nagsumite na rin umano sila ng mga dokumento sa NBI para patunayang walang kinalaman si Bacar sa alegasyon ng extortion. Siniguro naman ni Bacar na handa silang makipagtulungan sa NBI tungkol sa nasabing kaso.

AYON ATTY

BACAR

COMM BUILDERS

CZECH AMBASSADOR JOSEPH RYCHTAR

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

JERUSHA VILLA

M INEKON GROUP

METRO RAIL TRANSIT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with