^

Metro

Agawan sa GRO: 1 utas, 2 kritikal

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa ang nasawi sa pamamaril habang dalawa pa ang kritikal kabilang ang isang babaeng guest relation officer (GRO) na pinag-agawan ng dalawang grupo ng lalaki sa loob ng isang videoke bar sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Jose Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Dominador Ricidoro, Jr., nasa hustong gulang. Ginagamot din sa naturang pagamutan sanhi ng tama ng bala sa katawan sina Esmeraldo Egos, 62, at Joana Rose Austria, stay-in GRO sa JJ Videoke Bar sa Phase 4, Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Patuloy namang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga salarin na agad na tumakas matapos ang pamamaril. Sa ulat ng Caloocan Police, nag-iinuman ang grupo nina Ricidoro at Egos sa loob ng naturang videoke bar at ka-table si Austria nang dumating ang grupo ng mga salarin at inokupa ang isang lamesa dakong alas-11 ng gabi.

Isa sa mga salarin ang pinilit si Austria na makipag-table sa kanila ngunit tumanggi ang babae. Nagresulta naman sa mainitang pagtatalo nang gumitna sina Ricidoro at Egos. Nagsialisan naman ang grupo ng mga salarin at nang bumalik ay pawang armado na ng baril. Walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ng mga salarin ang mga biktima saka nagsitakas.

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE

DOMINADOR RICIDORO

ESMERALDO EGOS

ISA

JOANA ROSE AUSTRIA

JOSE RODRIGUEZ MEMORIAL HOSPITAL

RICIDORO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with