^

Metro

Operasyon ng PNR, suspendido sa Biyernes Santo at Sabado de Gloria

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inanunsyo ng Philippine National Railways (PNR) na limi­tado ang biyahe ng kanilang mga commuter trains sa Huwebes Santo at suspendido naman sa Biyernes Santo at Sabado de Gloria.

Sa isang advisory, sinabi ni PNR general manager Engineer Joseph Allan Dilay na layunin nitong bigyang-daan ang pagsasagawa ng maintenance sa kanilang mga tren at iba pang pasilidad.

“We will likewise take this opportunity, while our operations are suspended, to do some additional maintenance work for our trains and tracks,” aniya pa.

Ngayong Holy Week, limi­tado ang operasyon ng PNR para sa kanilang Metro Manila commuter service na bumibiyahe mula sa Tutuban at Sta. Rosa, Laguna.

Sa Huwebes Santo naman, magkakaroon sila ng mas maiksing operating hours o hanggang alas-7:30 lamang ng gabi.

Samantala, suspendido ang kanilang operasyon sa Good Friday hanggang Black Saturday.

Nabatid na magbabalik naman ang operasyon ng PNR sa Linggo ng Pagkabuhay, ma­liban lamang sa first trip nito na alas-5:00 ng madaling-araw.

Ang normal na operasyon ng PNR ay magpapatuloy sa Lunes, Abril 21.

ABRIL

BIYERNES SANTO

BLACK SATURDAY

ENGINEER JOSEPH ALLAN DILAY

GOOD FRIDAY

HUWEBES SANTO

METRO MANILA

NGAYONG HOLY WEEK

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

SA HUWEBES SANTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with