^

Metro

Kelot na nanunog sa bahay ng karibal, timbog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado kahapon ang isang lalaking nanunog sa  bahay ng kanyang karibal sa pag-ibig noong nakaraang linggo sa Taguig City.

Nahaharap sa kaso ang suspek na  si Renato Bianzon, Jr., tubong-Cavite City matapos itong arestuhin ng pulisya nang tangkain nitong sunugin ang bahay ng kanyang karibal sa pag-ibig na si Johnny Valdez sa Orchid St., Katipunan Village, Brgy.  Western Bicutan ng naturang lungsod noong Biyernes ng gabi.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Taguig City Police, magkasabay umanong nanligaw sa iisang babae na itinago lang sa pangalang Edith ang suspek at si Valdez.

Subalit,  ang pinili ng dalaga ay si Valdez at binasted nito ang suspek dahil sa wala itong trabaho. Posibleng ito ang pinag­damdam ng suspect.

Sa ulat ni SPO1 Rodelio Abenojar,  ng Taguig City Police, bago naganap ang panu­nunog noong Biyernes ng gabi ay nahuli pa ni Valdez si Bianzon na umaaligid sa kanilang bahay alas-8:00 ng umaga kaya’t humingi siya ng tulong  sa mga barangay tanod.

Nang kapkapan si Bianzon, nakuha sa kanya ang isang patalim subalit mabilis itong nakatakas at kinagabihan ay bumalik pa umano ito sa bahay ng karibal na may bitbit ng timba na may lamang tela at gasolina bago sinindihan at inihagis sa loob ng bahay ni Valdez.

Kaagad na nagliyab ang dingding at bahagi ng kisame ng bahay ni Valdez, dahil sa mabilis na pagtulong  ng mga kapitbahay ay naapula ang apoy bago pa man ito lumaki.

Sa follow-up ng mga pulis at tanod ay nadakip ang suspek na si Bianzon.

 

BIANZON

BIYERNES

CAVITE CITY

JOHNNY VALDEZ

KATIPUNAN VILLAGE

ORCHID ST.

TAGUIG CITY POLICE

VALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with