150 pamilya nasunugan sa QC

MANILA, Philippines - Aabot sa 150 pamilya sa Quezon City ang nawalan ng tirahan matapos masunog ngayong Biyernes ng madaling araw.

Naganap ang sunog sa Tandang Sora, Banlat Road, Quezon City kung saan 50 bahay na gawa sa light materials ang tinupok ng apoy.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog na tumagal ng ilang oras bago naapula.

Ayon sa pangunang imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa bahay ng pamilyang Belarmino.

Hinala ng mga bumbero ay naiwanang nakasinding kandila ang pinagmulan ng sunog.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente na tumupok sa P500,000 halaga ng mga ari-arian.

Show comments