^

Metro

Miyembro ng ‘Akyat-bahay’, itinumba

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang hinihinalang kilabot na  miyembro ng akyat-bahay gang matapos itong pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek, kamalalawa ng gabi sa Pasay City.

Unang isinugod sa Philippine Air Force General Hospital ng mga nagrespondeng barangay tanod na si Edrien Enema, ng 12th St., Villamor Air Base bago inilipat sa Pasay City General Hospital kung saan siya binawian ng buhay  alas-12:45 kahapon ng ma­daling-araw  habang nilalapatan ng lunas.

Lumalabas sa imbestigasyon ni SPO1 Cris Gabutin,  ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), Pasay City Police, naganap ang insidente alas-9:45 ng gabi sa harapan ng isang bahay sa Villamor Air Base ng naturang siyudad habang nakatayo ang biktima nang biglang lumapit sa kanya ang suspek na nakasuot ng itim na bonnet at armado ng baril at dito pinaputukan sa ulo si Enema.

Kaagad na dinala sa nabanggit na mga ospital ang biktima, subalit binawian din ito ng buhay.

Sa pahayag naman ng Barangay Ex-O na si Inday Sisante sa pulisya, kilalang miyembro ng akyat-bahay gang at isa ring drug addict si Enema na ilang ulit nang nagkaroon ng kaso at reklamo sa barangay dahil sa ginagawang pagnanakaw.

May hinala si Sisante na may kaugnayan ang naturang pamamaslang sa nangyaring nakawan sa limang bahay sa kanilang lugar noong Sa­bado ng gabi, Abril 5 ng taong kasalukuyan kung saan nilo­oban ang ilang residente ng grupo ng mga magnanakaw  sa loob lamang ng isang gabi.

Batay naman sa rekord ng pulisya, nasangkot kamakailan sa kaguluhan ang biktima kung saan nasaksak ito ng isang Oliver Tubon kaya’t sinampahan ni Enema ito ng kaso.

Ipapatawag naman ng pulisya si Tubon para imbestigahan kung may kinalaman ito sa nangyaring pagpaslang sa biktima.

vuukle comment

BARANGAY EX-O

CRIS GABUTIN

EDRIEN ENEMA

INDAY SISANTE

OLIVER TUBON

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

VILLAMOR AIR BASE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with