^

Metro

Obrero patay dahil sa sugal

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang construction worker makaraang pagsasaksakin ng kalaro nito sa sugal sa kara y cruz nang magkaturuan ng pandaraya, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Lindon Asio, ng 2nd Street, 3rd Avenue, Brgy. 118 ng naturang lungsod. Pinaghahanap naman ang nakatakas na suspek na si Sonny Sapinoso, residente ng BMBA Compound, Brgy. 120, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Caloocan Police, dakong alas-2:20 kama­kalawa ng hapon, nagka-kara y cruz sina Asio at Sapinoso sa may BMBA Compound sa 3rd Avenue nang magkainitan nang kapwa mag-akusa ng pandaraya.

Dito naglabas ng patalim ang suspek na si Sapinoso at ilang beses na tinarakan ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan saka mabilis na tumakas.

Nagawa pang maisugod ng kinakasama at ng mga nakasaksing tambay si Asio sa Caloocan City Medical Center ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

 

vuukle comment

ASIO

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MEDICAL CENTER

CALOOCAN POLICE

DITO

LINDON ASIO

NAGAWA

SAPINOSO

SONNY SAPINOSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with