Taxi driver 'di na kakasuhan ang UST student holdaper

MANILA, Philippines – Pagkatalo umano sa sugal ang nagtulak sa isang nursing student ng University of Santo Tomas upang mangholdap ng isang taxi driver sa Quezon City nitong kamakalawa.

Nasakote ang 19-anyos na estudyante sa Cubao matapos holdapin ang tsuper na si Ronaldo Quintero.

Nakuha kay Emman Paul Bonita ang patalim na ginamit sa krimen at nabawi ang ninakaw na P3,500 na kinita ng tsuper.

Pero kahit nadakip ang estudyante ay napagpasiyahan ni Quintero na huwag nang kasuhan ang bata matapos makiusap ang magulang niya.

Sinabi ng suspek na nagawa niya ang panghoholdap matapos maubos ang kanyang allowance sa isang online casino.

 

Show comments