7 sugatan sa bus vs truck sa EDSA

MANILA, Philippines - Pitong katao ang sugatan matapos sumalpok ang isang pampasaherong bus sa isang trak sa kahabaan ng EDSA na sakop ng lungsod ng Quezon kaninang madaling araw ng Huwebes.

Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng AC Trans sa northbound ng Edsa-Munoz nang banggain nito ang trailer truck na papasok sa isang establisyamento.

Isinugod sa Quezon City General Hospital ang bus driver na si Johnson Miraveles at trak driver na si Edgar Arandia.

Nagdulot ng pagbigat ng trapiko ang aksidente.

.

Show comments