^

Metro

Brgy. chairman todas sa tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang barangay chairman ang paniba­gong biktima ng riding-in-tandem sa Caloocan City ma­karaang pagbabarilin at mapatay ng mga salarin, ka­hapon ng umaga.

Isinugod pa sa Tala Ge­neral Hospital ngunit hindi na rin umabot ng buhay ang biktimang si Pedro Ra­mirez, 57, chairman ng Brgy. 183 sa Tala, ng natu­rang lungsod.

Patuloy namang nagsasagawa ng follow-up opera­tions ang Operations Division ng Caloocan Police sa pangunguna ni Chief Insp. Jay Agcaoili upang madakip ang mga suspek matapos na makakuha umano ng magandang lead sa pagkakakilanlan ng mga ito.

Sa ulat ni PO3 Renen Malonzo, nakatayo sa tapat ng Amparo Hardware and Construction sa may Amparo Subdivision sa may Gate 2, Quirino Highway, Brgy. 183 dakong alas-7:45 ng umaga ang biktima nang hintuan ng dalawang salarin na magkaangkas sa motor at pagbabarilin.

Agad na tumakas ang mga salarin habang ma­bilis na sinaklolohan ng mga residente ang biktima at isinugod sa pagamutan.

Ayon pa kay Agcaoili nag­buo na ng Task Force Ramirez ang kapulisan para sa mas mabilis na pag­resolba sa kaso. Pangunahing tutukuyin rin ang mga posibleng motibo sa pamamaslang upang matukoy ang mga taong maaaring nasa likod ng pagpapa­patay sa biktima.

Matatandaan na noong Marso 4, napaslang rin ng “riding-in-tandem” ang isa pang barangay chairman na si Alejandro Bonifacio sa may Sta. Quiteria, Brgy. 163. Hinihinalang politika ang motibo ng naturang pa­mamaslang.

ALEJANDRO BONIFACIO

AMPARO HARDWARE AND CONSTRUCTION

AMPARO SUBDIVISION

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE

CHIEF INSP

JAY AGCAOILI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with