^

Metro

Na-depress dahil hindi makakuha ng trabaho kelot tumalon sa ikalawang palapag ng MRT

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dala ng labis na depresyon matapos na hindi ma­kahanap ng trabaho, isang lalaki ang malubhang nasugatan makaraang magpasya itong tumalon mula sa ikalawang palapag ng istasyon ng Metro Rail Transit (MRT) sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon kay SPO1 John Sales ng Quezon City Police Station 10, ang biktima ay nakilalang si Cristobal Delia, 26, na ginagamot sa East Avenue Medical Center dahil sa matinding injuries na kanyang tinamo sa buong katawan.

Nangyari ang insidente dakong alas-9 ng umaga sa MRT-GMA Kamuning.

Sabi ng ilang saksi, bago ang pagtalon, napuna umano nila ang biktima na nagma­nik-manaog sa hagdan ng MRT na tila balisa at problemado.

Sa ikalawang palapag ng MRT, partikular sa hag­da­nan ay patingin-tingin pa ito sa ibaba, at nang wala nang makitang nagdaraang tao ay saka biglang lumundag at bumagsak sa outerlane ng Edsa.

Dagdag ni Sales, matagal na umanong naghaha­nap ng trabaho ang biktima, pero hindi matanggap-tanggap, dahilan para mauwi ito sa depresyon at tumalon sa MRT.

Mabilis namang duma­ting ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) rescue at isinugod ang biktima sa East Ave­nue Medical Center.

CRISTOBAL DELIA

EAST AVE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JOHN SALES

MEDICAL CENTER

METRO RAIL TRANSIT

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON CITY POLICE STATION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with