7 miyembro ng kidnap for ransom, timbog ng NBI
MANILA, Philippines - Pito katao kabilang ang 3 sundalo at 4 sibilyan na kabilang umano sa kidnap-for-ransom group ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang pagsalakay sa Antipolo City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Head Agent Rommel Vallejo, hepe ng NBI-Anti Organized Crime Division ang mga naÂaresÂtong suspek na sina 1st Lt. Noel Alipio, military police ng Philippine Army (PA); Corporal Valentino Carlobos, dating Scout Ranger; Corporal Edgar Alipio, daÂting miyembro ng Philippine Army; mga sibilyan na sina Joseph Entradicho; Grexon Behare; Rafael Camais at Jaime Bendo.
Si Noel Alipio ay aktibo pa sa serbsiyo habang AWOL (absence without official leave) naman sina Carlobos at Edgar na kapatid ni Noel.
Pinaghahanap naman ng NBI ang kanilang lider na kinilala lamang sa tawag na Major Del Rosario ng Philippine Army.
Iprinisinta ng NBI sa mga mamamahayag ang mga narekober na apat na kalibre .45 at dalawang granada na nakuha sa mga suspek.
Nabatid na pakay na dukutin ng mga suspect ang isang negosyanteng Chinese national na nanggaling umano sa Quezon City at may dalang P4.5 milyon subalit hindi nila alam na binubuntutan na sila ng mga operatiba ng NBI.
Pinipigil sa NBI headquarters ang mga suspek para sa interogasyon at malalimang imbestigasyon hinggil sa kanilang aktibidades.
Inihahanda na rin ang mga kaukulang kaso na isasampa laban sa kanila.
- Latest