QC fire, lola sugatan

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang 80-anyos na lola nang ma­sunog ang tinitirhan nito sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Narcisa Reyes na nagtamo ng sugat sa katawan at makalanghap ng usok mula sa nasusunog nitong  bahay sa Magnolia St., Brgy. Roxas, Quezon City.

Si Lola Narcisa ay na­ilabas agad mula sa nasusunog nitong bahay ng kanyang anak na isang Joseph mula sa kuwarto ng una na nasa ground floor ng kanilang bahay.

Umabot naman sa ikatlong alarma ang sunog na naganap alas 10:18 ng umaga.

Patuloy namang ina­alam ng mga bumbero ang ugat ng sunog at ang halaga ng nilamon ng apoy.

Show comments