Presyo ng petrolyo muling tumaas

MANILA, Philippines - Nagpatupad muli ng dagdag presyo sa kanilang produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis kahapon. Nabatid na ang Pilipinas Shell, Petron  at PTT Philipppines  at Total ay sabay sabay na nagpatupad ng 25 sentimos sa kada litrong dagdag sa presyo ng kanilang diesel epektibo alas-6:00 ng umaga kahapon.

Bukod dito, may dagdag din na  15 sentimos sa kada litro sa kanilang kerosene ang Shell at Petron.

Wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina. Ang muling dagdag presyo ay dulot pa rin umano sa paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. Sa kasalukuyan ay naglalaro sa pagitan ng P41-P42 kada litro  ang diesel, habang P52-53 naman ang gasolina.

Show comments