^

Metro

Erap, truckers magkakasubukan ngayon

Doris Franche-Borja at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakasubukan ngayon araw ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamumuno nina Manila Mayor­ Joseph Estrada at Vice Ma­yor Isko Moreno at grupo ng truckers kasabay ng bantang protesta ng mga ito bunsod ng pagpapatupad ng day time truck ban  simula ngayon.

Sa panayam kay Moreno, sinabi nito na handa na ang kanilang panig sa anumang gagawin ng mga truckers kasama ang puwersa ng  Manila Police District (MPD) sa pangunguna ni Officer in Charge Sr. Supt. Rolando Nana.

Sinabi ni Nana, maximum tolerance naman ang kanilang  ipatutupad at nakaalalay lamang sila sa sitwasyon at pagpapatupad ng batas.

Inaasahan  ding muling magsusuot ng camouflage uniform si Estrada na kanyang isinuot nang ipatupad ang bus ban sa Maynila.

Ayon kay Moreno, ang desisyon ng mga truckers ay indikasyon na nais nilang ipakita na mas magaling at malakas sila sa opisyal ng pamahalaan at walang makakapigil sa kanilang gagawing protesta ngayon araw.

Nakalulungkot lamang isipin ayon kay Moreno na ginagawa ng city government ang lahat ng paraan upang mapagbigyan ang lahat ng sector subalit tila  sila pa ang ginawagang  kontrabida  ng mga truckers.

Aniya, pansarili lamang  ang  iniisip ng mga truckers samantalang hindi nila alintana ang kapakanan ng mas nakararaming maaapektuhan commuters.

Matatandaang nakipagpulong na ang mga matataas na opisyal kina Estrada at Moreno na kinabibila­ngan nina DPWH Secretary Rogelio Singson; MMDA Chairman Francis Tolentino; Mr. Sergio Ortiz-Luis, Honorary Chairman at Treasurer ng PCCI; Mr. Roberto Amores ng  Philippine Chamber of Commerce and Industry; at  dating Finance Secretary at Philippine Stock Exchange (PSE) Chairman Jose “Titoy” Pardo.

Naniniwala si Moreno na ang kanilang ginawang modification na tatagal sa loob ng  anim na buwan ay  makabubuti sa lahat ng  sector kung  kaya’t wala nang dapat pang  ikagalit ang  mga truckers.

Maaari namang  gamitin ng mga truck ang Batangas Port para makarating sa  Laguna at  Cavite Economic Zone  gayundin ang   SBMA port patungo sa Clark Angeles Economic Zone.

Paliwanag pa ng bise alkalde, kailangan i-divert ang ibang port operation upang  50% na lang sa Manila ang port operation. Aniya, taga maynila man o hindi ay dapat na  magkaroon ng kaluwagan sa trapiko, lalo na kapag papasok kayo sa trabaho, at eskwela.

“Kung gusto nyo ng makaramdam ng pagbabago kailangan kayo ng pamahalaan na makiisa at magbago na rin ng pananaw at nakasanayan”, dagdag  pa ni Moreno.

Samantala, umapela sa grupo ng mga truckers si MMDA Chairman Tolentino na huminahon at habaan ang pasensiya  bilang pagprotesta sa ipapatupad na daytime.

Para kay Tolentino, ang 13 oras na ibinigay ng Maynila ay maituturing na itong isang “win-win solution”  na dapat umanong
 unawain  ng mga truck operator. Dapat umanong mangibabaw ang kahinahunan at mahabang pang-unawa at pamamalasakit dahil anumang marahas na aksiyon ay hindi magdudulot ng maganda sa lipunan at  ekonomiya.
  

Una nang iginiit ng mga trucker, na kailangang ibalik ng lungsod angorihinal na scheme kung saan nakakabiyahe sila ng 15 oras kada arawdahil babagsak umano ang kanilang mga negosyo at mga pabrikang sineserbisyuhan kung lilimitahan lang sa gabi at tanghali ang pagde-deliver.

 

ANIYA

BATANGAS PORT

CAVITE ECONOMIC ZONE

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

CHAIRMAN JOSE

MAYNILA

MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with