Ordinansa sa ospital: Manilenyo prayoridad ko! – Erap
MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni Manila Mayor Joseph Estrada na prayoridad niya ang kapakanan ng mga Manilenyo kung kaya’t mahigpit ang kanilang pagpapatupad ng bagong patakaran sa mga ospital.
Batay sa bagong ordiÂnansa bilang 8331, tanging ang libre lamang sa mga ospital sa lungsod ay ang mga mahihirap.
Paliwanag ni EsÂtrada, kadalasang hindi na naÂbiÂbigyan ng gamot at meÂÂdical assistance ang Manilenyo dahil naibibigay na ito sa mga pasyente na hindi naman taga-Maynila.
Aniya, mas dapat niyang unahin ang mga residente ng lungsod na nagtiwala sa kanya at sumuporta sa kanyang kakayahan na mapabago ang Maynila.
Binigyan diin din ni Estrada na marami sa mga pasyenteng nagpupunta sa mga ospital sa Maynila ay hindi tagalungsod.
Giit ni Estrada, pinagbabayad din naman ng mga ibang lungsod ang hindi nila taga-lungsod kung kaya’t dapat lang na ipatupad ang bagong ordinansa.
“Libre ’yan para sa mga taga-Maynila, yung mga mahihirap sa Maynila. Pero kung hindi taga-Maynila magbabayad na sila,†ani Estrada.
Kabilang sa mga ospital na kailangan ng magbayad ang hindi Manilenyo ay ang Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center; Justice Jose Abad Santos General Hospital; Sampaloc Hospital; Ospital ng Maynila at Sta. Ana HospitalÂ.
Sa Marso naman ipaÂtuÂtupad ng Tondo HosÂpital ang paniningil.
- Latest