Rollback sa presyo ng petrolyo, ipinatupad
MANILA, Philippines - Epektibo ngayong umaga ay magpapatupad ng rollback sa kaÂnilang produktong peÂtrolyo ang ilang komÂpanya ng langis.
Sa ipinadalang text advisory ng Petron CorÂporation, epektibo ngayong alas-12:01 ng madaling-araw ipatutuÂpad ang 50 sentimos rollback sa kada litro unleaded at premium gasoline, 25 sentimos naman sa kada litro ng kerosene at 20 sentimos ang ibababa sa turbo at diesel max.
Nag-abiso na rin ng kaparehas na pagtaÂtapÂÂyas ang Pilipinas Shell at SeaOil epekÂtibo ala-1:00 ng madaling-araw ngayon.
Sa kanilang magkahiwalay na mensahe sa text, sinabi nina Petron Strategic Communications Manager Raffy Ledesma at Ina Soriano ng Pilipinas Shell na ang pagpapatupad nila ng rollback ay batay sa paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigÂdigang pamilihan.
Hindi pa naman nag-aanunsiyo ng kanilang pagbabawas sa presyo ng kanilang produkto ang ilang mga komÂpanya ng langis bagama’t inaasahan na susunod na rin sila sa pagtatapyas ng halaga ng kanilang produkto ngayong araw.
- Latest