^

Metro

Parak todas sa tandem

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang  pulis ang nasawi nang tambangan ito ng dalawang hindi kilalang suspek na riding-in-tandem habang sakay ng  kanyang motorsiklo habang angkas nito ang dalawang  anak na magsisimba sana kahapon ng umaga sa Pasay City.

Dead on the spot ang biktimang si PO3 Alih Butal,  may asawa at dating nakatalaga sa Police Community Precinct 6 (PCP-6),  Pasay City Police, matapos na magtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon Golondrina ng Homicide Section ng Pasay City Police naganap ang insidente alas-9:30 ng umaga sa panulukan ng Legaspi St., at Aurora Boulevard ng naturang lungsod.

Sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo na kulay pula na may plakang TU-5408 angkas ang dalawang anak upang magsimba nang biglang sumulpot sa bahaging likuran ang mga suspek sakay ng motorsiklo at biglang pinagbabaril ang biktima.

Upang hindi tamaan ang dalawang anak ay kinabig niya ang mga anak at niyakap hanggang sa bumagsak sa motorsiklo kung saan dagandagan ng biktima ang dalawang anak na lalaki na agad namang naisugod sa San Juan De Dios Hospital upang alamin kung ang mga ito ay nahagip ng bala.

Ayon sa kaanak ng biktima, wala siyang alam na kagalit o kaaway ang biktima dahil  walang sinasabi ang biktima ng ito ay nabubuhay pa.

Matapos ang pamamaril ay dali-daling nagsitakas ang mga suspek at nagsasagawa na nang follow-up dito kung saan inaalam din kung anong uri ng baril na ginamit ng mga suspek habang hindi pa rin malinaw ang motibo.

Tumanggi naman ang pulisya na magbigay ng iba pang detalye sa krimen habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

 

 

ALIH BUTAL

AURORA BOULEVARD

HOMICIDE SECTION

LEGASPI ST.

MARLON GOLONDRINA

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

POLICE COMMUNITY PRECINCT

SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with