^

Metro

Sa Pebrero 24 na lang daw sisimulan truck ban sa Maynila sa Lunes, binawi ni Erap

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos na ianunsiyo na ipatutupad na sa darating na Lunes ang truck ban sa Maynila, mismong si  Mayor Joseph Estrada din ang naghayag kahapon nang  pansamantalang suspensiyon   nito sa mga pangunahing lansangan sa lungsod.

Kamakalawa ay sinabi ni Estrada na ordinansa na sa lungsod ang pagbabawal sa pagbibiyahe ng mga truck simula alas-5 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi, mula Lunes hanggang Biyernes.

Sa nasabing amended ordinance, maaari lamang makabiyahe sa  Maynila ang mga truck sa mga araw ng Sabado, Linggo at holidays.

Ayon kay Estrada, sa halip na sa darating na Lunes, ipatutupad ang pinalawig na truck ban sa February 24 upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga nasa industriya ng trucking na makapag-adjust  sa kanilang mga skedyul

Gagawa pa umano sila ng hakbang upang lalung maipaunawa sa mga stake holder  ang kahalagahan at kabutihan umanong idudulot  ng truck ban lalo na sa usapin ng pagpapaluwag ng daloy ng trapiko.

Una na ring nanindigan ang mga samahan ng mga truck owner at mga operator sa pangunguna ng Aduana Business Club Incorpo­rated (ABCI), malalantad sa ma­laking kahihiyan ang Pilipinas sa sandaling ipatupad ang ordinansa.

Nababahala rin  ang ABCI sa malubhang epekto ng truck ban sa ekonomiya dahil babagal ang takbo ng negosyo dulot nang magiging limitasyon sa kanilang mga biyahe.

 

vuukle comment

ADUANA BUSINESS CLUB INCORPO

AYON

BIYERNES

GAGAWA

MAYNILA

MAYOR JOSEPH ESTRADA

TRUCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with