MANILA, Philippines — Nasakote ang 10 South Korean nationals nitong Martes dahil sa pagpapatakbo ng illegal online gambling site sa Taguig City.
Sinabi ni Senior Superintendent Gilbert Sosa na nadakip ang walong kalalakihan at dalawang babae sa magkahiwalay na condominium unit.
Dagdag ni Sosa na hiniling sa kanila ng gobyerno ng South Korea na tugisin ang mga suspek matapos tumakas sa kanila at ituloy ang operasyon dito sa Pilipinas.
Nakakatanggap ng bayad ang grupo sa pamamagitan ng online banking at credit cards.
Kaugnay na balita: Korean #1 sa mga dayuhang kriminal sa bansa - Immigration
Sinabi pa ni Sosa na karamihan sa mga parokyano ng ilegal na operasyon ay mga Koreano.
Dalawa sa mga nadakip na suspek ay wanted din sa Seoul, Korea.
Nakumpiska ang mga cellular phone, identification card, computer at network devices.
Nitong nakaraang taon lamang ay umabot sa 34 na Koreanong kriminal ang nadakip sa bansa, ayon sa Bureau of Immigration.
Isa sa mga nadakip na dayuhang kriminal ay ang “most wanted fugitive†na si Cho Yang Eun na itinuturong nasa likod ng ilang financial crimes.