5 pulis nag-blotter kay Vhong Navarro, ni-relieve
MANILA, Philippines - Sinibak na kahapon sa kanilang puwesto ang limang pulis ng Southern Police District Office (SPDO) kabilang ang dalawang opisyal na nagproseso sa pagpapa-blotter ng grupo ni Cedric Lee at Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro noong Enero 22 ng taong kasalukuyan sa Taguig City.
Ayon kay SPD director, Chief Supt. Jose Erwin Villacorte, tinanggal muna nila pansamantala sa puwesto ang hepe ng District Investigation and Detective Management (DIDM) na si Supt. Nelson Bautista; ang nagsulat ng blotter na si PO3 Dalmacio Lumiwan; kasama ring inalis ang noo’y officer of the day at naka-duty sa presinto na sina Senior Insp. Eduardo Alcantara; PO3 Lory Laureto at PO3 Eugene Pugal.
Nabatid na pansamantalang inilagay ang limang pulis sa District Personnel Holding Unit ng SPDO habang iniimbestigahan ang mga ito ng District Internal Affairs Service.
Posibleng maharap ang mga ito sa administrative lapses case matapos na hindi nila ipa-medical exam si Navarro kahit nakita na nilang bugbog-sarado ito.
Ayon kay Villacorte, kapag mapatunayan aniyang nagÂkulang ang mga pulis, mahaharap sila sa parusa, subalit kung mapatutunayang ginawa nila ang lahat at walang naging pagkukulang ay ibabalik din sila sa kani-kanilang pwesto.
Una nang idinetalye ng abogado ni Navarro ang kakuÂlangan at kapabayaan sa proseso ng pagba-blotter sa kanyang kliyente.
- Latest