MANILA, Philippines - Tiniyak ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na paglalaanan ng mga livelihood projects ang mga residenteng mare-relocate sa Bulacan na mula sa mga dinemolis sa Agham Road, Quezon City.
Sinabi ni Belmonte na batay sa kanyang pakikipag-ugnayan kay Mayor Herbert Bautista may nakahandang pabahay ang lokal na pamahalaan sa tulong ng National Housing Authority (NHA) sa mga residente ng Agham na mare-relocate sa naturang lugar.
Sinasabing mahigit na sa 100 pamilya ang pumabor na malipat sa itinakdang relocation area ng NHA makaraan na maayos ang gusot hinggil sa paglipat ng mga ito sa mas disenteng tahanan na matatawag na kanila.
Kaugnay nito, binigyan ng deadline ng QC governÂment ang mga residente ng Agham na hanggang bukas, araw ng Miyerkules na lamang para magÂdesisyon ang mga ito na maglipat tirahan sa Bulacan kung hindi ay gigibain na ang mga istraktura na hindi na naaalis sa nabanggit na lugar.