SPD nasa hot water sa kaso ni Vhong vs Deniece
MANILA, Philippines - Nasa balag ng alanganin ngayon ang mga imbestigador ng Southern Police District (SPD) kaugnay ng kontroberÂsÂyal na kaso sa pagitan ng aktor/TV host na si Vhong Navarro at ng babaeng tinukoy nito na nagreklamo sa una ng tangkang panggagahasa na nangyari noong Enero 22 sa isang condominium unit sa The Fort, Taguig City.
Sinabi ni PNP Deputy Director General Felipe Rojas Jr., PNP Deputy Chief for Administration, isinasailalim na rin ngayon sa masusing imÂbesÂtigasyon ang mga imbestigador ng SPD upang alamin kung pumalpak ang mga ito sa paghawak ng kaso laban sa aktor at ng complainant nito.
Ayon kay Rojas layunin ng imbestigasyon na mabatid kung sinunod ng mga pulis ang proseso ng imbestigasÂyon o kung may ginawa ang mga itong paglabag.
Kasabay nito, sinabi naman ni PNP-CIDG-National CaÂÂpital Region (PNP-CIDG-NCR) Chief P/Sr. Supt. RoÂberto Fajardo na dapat tigilan na ang media war sa pagitan ni Vhong at ng babaeng tinukoy nito sa pangalang DeÂniece Milet Cornejo na nagreklamo sa una ng tangkang panggaÂgahasa sa pamamagitan ng pagsasampa ng kasong kriÂminal.
Sinabi ni Fajardo wala pa silang natatanggap na opisyal na reklamo laban kay Vhong na nagpahayag ng saloobin sa isang television interview sa Buzz ng Bayan ng ABS-CBN Channel 2 kamakalawa.
“Unfortunately, there is still no complaint... Vhong Navarro is speaking to the media... but how can the PNP (Philippine National Police) act, when there is no complaint?†ani Fajardo.
Samantalang handa ring maÂkipag-usap ang kanilang mga imbestigador sa legal counsel ni Vhong hinggil sa kasong ito.
Sa panayam kay Vhong ay tinukoy nito ang isang nagÂngangalang Cedric Lee na isa umano sa nasa pitong lalaki na pinagtulungan siyang bugbugin.
Sa kabilang dako ay inirekÂlamo rin si Vhong ng 22-anyos na estudyanteng si Deniece na binisita nito sa condominium ng tangka umanong panggaÂgahasa.
Ang nasabing grupo ni Deniece sa pangunguna ni CeÂdric Lee ay dinala pa umano si Vhong sa himpilan ng SPD sa Taguig City upang ipa-blotter ang kaso na nilagdaan pa nito bilang Ferdinand Navarro.
Una nang pumalag ng blackmail si Navarro dahilan hinihingan umano siya ng grupo ng P200,000 na ginawang P500,000, P1M hanggang P2M na ayon sa aktor ay hindi na niya kayang maibigay.
Itinanggi naman ito ng kampo ni Deniece sa isang television interview sa pagsasabing ipinagtanggol lamang nila ang dalaga sa tangkang panghahalay ng aktor kaya binugbog ito.
- Latest