^

Metro

Magsusunog ng effigy sa SONA, mananagot! — PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Magsusunog ng effigy sa SONA, mananagot! � PNP
Activists burned the "doble kara" effigy of President Ferdinand Marcos Jr. during the SONA protest on July 24 at Commonwealth Avenue in Quezon City.
Ted Aljibe / AFP

Babala sa mga militante

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na papanagutin nila ang militanteng grupo na magsusunog ng effigy sa kanilang kilos-protesta kasabay ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ang paniniyak ay ginawa ng PNP kasunod ng inilabas ng pahayag ng Quezon City Police District (QCPD) na paiiralin nila ang Batas Pambansa 880 na sumasaklaw dito.

Binanggit ni PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo na malinaw na nakasaad sa batas na ipinagbabawal ang pagsusunog ng anumang bagay sa kalsada kung kaya’t pakiusap nila sa mga magsasagawa ng kilos-protesta na huwag nang gawin ito.

Una rito, inihayag ng PNP na nasa final stage na sila, isang linggo bago ang ikatlong SONA ng Pa­ngulo at hinihintay na lamang nila ang ilalabas na mga permit ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon kung aling grupo ang papayagang magkasa ng aktibidad.

Wala namang namo-monitor ang PNP na anumang seryosong banta sa SONA habang ayaw namang patulan ang mga personalidad na tila nag-iinstiga ng gulo sa mismong araw ng SONA.

vuukle comment

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with