Computer tech tiklo sa shabu

MANILA, Philippines - Tiklo ang isang com­puter­ technician makaraang maku­hanan ng 40 gramo ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang fastfood sa lungsod Quezon.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang suspect na si Albert Manlulu, alyas Lance, 40, ng Xavierville Avenue, Lo­­yola Heights, Que­zon City.

Ayon kay Cacdac, si Man­lulu ay naaresto ng mga tropa ng PDEA Regional Office-National Ca­pital Region (PDEA RO-NCR) sa isinagawang operasyon sa may Matalino Street corner East Avenue, Brgy. Central  sa lungsod.

Bago ito, nakipagtran­sak­­syon ang mga opera­tiba ng PDEA sa suspek para bumili ng shabu na nagka­kahalaga ng P1,000.

Nagkasundo ang dalawa na magpalitan ng items sa may isang fast food, ganap na alas-3 ng hapon kung saan ito naaresto.

Sa pagsisiyasat ng ope­­ratiba, nakarekober pa sa suspek ng isang transpa­rent plastic bag na naglalaman ng apat na glass containers.

Nakuha din sa suspek ang P1,000 marked bill na ginamit sa buy-bust ope­ration, ma­ging ang isang Honda Wave motorcycle (IA-8964).

Show comments