Bading hinulidap na, ginahasa pa

MANILA, Philippines - Dobleng pasakit ang dinanas ng isang 25-anyos na bading makaraang umano’y hol­dapin at halayin ng isang binata, kamakalawa ng madaling-araw sa Pasay City.

Agad namang nadakip ang suspek na nakilalang si Danilo Ferrer, ng Solitarya Street, Pasay makaraang ipaaresto ng biktimang itinago sa pa­ngalang Sophie.

Sa ulat ng Pasay Police, sinabi ni Sophie na nakatayo siya sa may kanto ng EDSA at Zamora St. dakong alas-10:30 noong Sabado ng gabi at hinihintay ang kasamahan sa trabaho nang sitahin ni Ferrer na nagpakilalang isang pulis.

Isinakay umano siya ng suspek sa isang taksi subalit sa halip na dalhin sa pre­sinto ay sa garahe ng bahay nito sa Solitarya St. sila nagtungo.

Pinasakay din umano siya ni Ferrer sa nakaparadang  van sa garahe at sa pamamagitan ng pananakot, pi­naghubo’t hubad siya at puwersahang pinagawa ng oral sex.

Nang makaraos, puwersahang tinangay pa ng suspek ang P300 na pera at relos na nagkakahalaga umano ng P7,000. Dito na siya isinakay ng suspek sa isang tricycle at dinala sa EDSA Rotonda dakong ala-1 ng Linggo ng madaling araw at saka iniwan.

Isinumbong naman ng biktima ang nangyari sa kanya sa kapatid nitong pulis na nag­harap ng reklamo sa Pasay City police.

Natunton naman nina Insp. Cesar Teneros ng Intelligence Unit ng Pasay police ang bahay ni Ferrer na nagresulta sa pagkakadakip dito.

Kasong rape, robbery at usurpation of authority­ ang isasampang kaso ng pulisya sa piskalya ng Pasay City laban kay Ferrer.

 

Show comments