Bagitong parak itinumba ng tandem
MANILA, Philippines - Hindi nakaligtas ang isang bagitong pulis sa riding-in-tandem suspect makaraan siyang pagbabarilin at mapatay ng mga ito, kahapon ng madaling- araw sa Taguig City.
Agad na nasawi ang biktima na nakilalang si PO1 Aldrin Castro, 25, nakaÂtalaga sa Quezon City Police District-Public Safety Battalion at naninirahan sa Mauling Creek, Brgy. Lower Bicutan, ng naturang lungsod.
Sa ulat ng Taguig City Police, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng MRT Avenue sa Brgy. North Signal dakong alas-4:10 ng umaga lulan ng kanyang motorsiklo. Nang sumapit sa kanto ng Castañas St., ginitgit na ito ng dalawang lalaki na magka-angkas sa motorsiklo.
Ayon sa saksing si Alma Gregorio, isang street sweeper, nakita niya na huminto sa pagpapatakbo ang pulis ngunit dito na sinamantala ng nakaangkas na salarin na barilin ito nang malapitan sa leeg dahil sa nakasuot ang pulis ng helmet.
Nang bumulagta ang pulis, kinuha pa ng isa sa salarin ang baril nito saka muling umangkas at tumakas tungo sa hindi mabatid na direksyon.
Blangko naman ang puÂlisya sa motibo ng pamamaslang na maaaring perÂsonal na kaaway, mga nakabangga nito sa traÂbaho o posible rin na “agaw-armas†ang motibo.
- Latest