^

Metro

Ina at pinsan tinarakan na bangag sa droga, nanghostage pa

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaking lango sa iligal na droga ang naaresto ng mga awtoridad makaraang saksakin ang kanyang sariling ina at pinsan, bago i-hostage ang apat niyang kaanak, kabilang ang isang sanggol sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Karga pa ni Jerry Lo, 22, ang walong buwang sanggol habang may hawak na patalim nang dambahin siya ng mga tropa ng Quezon City Police District na siyang ugat para matapos ang halos apat na oras na hostage drama na nangyari sa Ba­rangay Santa Teresita, ayon kay Superintendent Osmundo De Guzman­.

Hinostage ng suspek ang apat na kaanak na nakilalang sina Mary Rose Gelendon, John Carlo Gelendon, Josephine Ge­lendon, at ang nasabing sanggol.

Sabi ni De Guzman, ang insidente ay nangyari ganap na alas-5:30 ng madaling araw nang bumisita ang suspek at kanyang nanay na si Luzviminda, 40, residente ng Simon St., sa kanilang kaanak sa Halcon II Street, nitong Linggo ng gabi.

Sinasabing, gabi pa lamang ay kakaiba na ang kilos ng suspek na parang bangag, hanggang sa kinaumagahan sa hindi inaasahan ay biglang sinaksak nito ang kanyang nanay sa dibdib.

Nang maitakbo sa ospital ang kanyang ina ay saka nito isinara ang pintuan ng bahay ng mga kaanak at sinimulang i-hostage ang mga ito, gamit ang patalim.

Sa kainitan ng hostage taking ay sinaksak ng suspek sa hita ang kanyang pinsan na si John Carlo, bago binitbit ang nasabing sanggol at ipinagpatuloy ang pangho-hostage sa mga biktima.

Dagdag ni De Guzman, wala namang naging demand ang suspek maliban sa sigarilyo at tubig. Hindi rin nagbigay ng rason ang suspek kung bakit niya hinostage ang kaanak.

Dahil makitid ang lugar at masyadong madilim nahirapan ang mga awtoridad na makipag-negosasyon sa suspek, at bumigay lamang ito nang makumbinsing ang kanyang tatay ay nasa telepono at gusto siyang makausap.

Paglapit ng suspek sa gate para kunin ang cellphone at makausap ang kanyang tatay ay bigla na siyang dinamba ng mga nakaantabay na  tropa ng pulisya at ng tropa ng Special Weapon and Tactics (SWAT) ng QCPD at inaresto.

Narekober sa kanya ang limang piraso ng magkakaibang hugis­ ng patalim na ginamit na panakot sa kanyang mga kaanak.

Ang sugatang si John Carlo ay namumutla na nang ma­iligtas ng mga awtoridad dahil sa pagkaubos ng dugo at agad na dinala sa ospital.

Ligtas naman at hindi nagtamo ng anumang sugat ang nati­tira pang mga biktima kabilang ang sanggol.

Kasong frustrated parricide, frustrated homicide, child abuse, at alarm and scandal ang kaharapin ngayon ng suspek.

DE GUZMAN

JERRY LO

JOHN CARLO

JOHN CARLO GELENDON

JOSEPHINE GE

KANYANG

MARY ROSE GELENDON

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with